Monday, February 25, 2008

. at abo


Pilit niyang inipon ang mga abo

Na siyang tanging patunay na noo’y

may apoy sa dakong iyon


nagniningas.

Lumalagablab. mainit

At gumuguhit sa mga palad niyang ang kaniig ay lamig


Paano niya ngayon ipapaliwanag ang hiwaga nito?

Paano niya papatunayan na ito ay bahagi ng kanyang kaluluwa?

Kung nagawa niya itong iwan sa awa ng gabi


Wala na.

Ang abo ay abo.

Tuldok ang kapatid.


**para sa apoy ng mga pangarap na namatay sa buhos ng ulan.

1 comment:

fionski said...

Wow. Serious side mo pala itong blog mo. Are you using the latest template layout or the classic one?